“If I had but an hour of love, if that be all that is given me, an hour of love upon this earth, I would give my love to thee.” - The Lovely Bones
08.30.12 | Day Hike at Mount Batulao, Nasugbu, Batangas
It was my second time to climb a mountain. Tirednes was assuredly worth when we were at the top, seeing the beauty of the place. It’s admittedly breath-taking. :D
“Take nothing but pictures. Leave nothing but footprints. Kill nothing but time.”
08.12.12 | Eat, Pray, Laugh..
An ordinary day with my girls. Simba, kain, at palitan ng kwento.. :D
07.22.12 | Cinemalaya 2012, Cultural Center of the Philippines
Our first time to attend Cinemalaya was a great experience although the weather did not cooperate with us. Hahaha.. “Kalayaan (Wildlife)” and “REquieme!” are both amazing films kahit na we did not undestand much of the Kalayaan scenes (ang pokpok na sirena o kung panaginip lang ba ang lahat).. REquieme, kahit na may technical issues, okay pa rin, deserve pa rin ang palakpakan! Sayang lang hindi tayo nakapagpa-picture with Eugene Domingo at Carlo Aquino at yung iba pa. Masaya yung moments na nagkakape sa gilid ng Manila Bay habang malakas ang ulan sa labas. :D
07.04.12 | Something Fishy, Eastwood City, Libis
Sa dinami-dami ng lugar na plinanong puntahan, mula sa Galera to Subic to Batangas to Pansol to Tagaytay, pak na pak, dito ang bagsak.. Palpak. Dahil sa masamang lagay ng panahon, hindi yun natuloy. Pero sapat na yung ganito. :)
Si Amapola sa 65 Na Kabanata by Ricky Lee
06.20.12 | Nabili ko na dapat ito nung June 14, pero dahil sa inaakala kong tatanggapin sa National Bookstore yung SM giftcheck, (na tinanong ko muna sa cashier kung pwede, eh sabi, oo daw, pero hindi pala pwede) eh yung “It’s Not That Complicated” na lang ni Eros Atalia yung nabili ko.. Kaya eto, binalikan ko para bilhin, para may magawa ako sa mga panahong nabuburyong ako, sa mga panahong naghihintay ako sa wala, at sa mga panahong nalulungkot ako..
“Lahat tayo hati, di nga lang nakakalipad ang iba.”
Siguro, ganito talaga ang buhay. May mga taong umaalis nang walang paalam. Hindi mo lang alam kung sa’n nanggaling at sa’n papunta. Siguro, sa lansangan ng pag-ibig, sapat na yung minsan ay nakasabay o nakasalubong mo ang isang tao sa daan, pasalamat na lang at kahit minsan, nagtapat at nagpantay din ang inyong mga hakbang.
Sa buhay na ito, minsan kailangang mamili kahit parang walang mapagpilian, at minsan kailangang mamili kahit na anuman ang mapili, talo ka pa rin..
Kanya-kanyang trip lang yan. Walang basagan ng trip. Kaso, trip ko ang maging ganito. Seryoso. Seryosong hindi maging seryoso. After all, life in itself is serious enough to be taken seriously.
It’s Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin Ng Mga Alien Ang Daigdig Sa 2012 - Eros S. Atalia
Napadaan lang ako sa isang bookstore sa isang mall kahapon.. Nagtingin-tingin ng mga librong bago. Pero sa tagalog section agad ang punta ko. At eto ang natagpuan ko. Cover pa lang pak na! Agaw atensyon ang titulo, kaya dampot kaagad sabay basa ng blurb sa likod. Karugtong pala ito ng nabasa kong “Ligo Na U, Lapit Na Me”..
Wala sa budget ko ang librong ito, pero dedma, gusto kong pampalipas oras.. Gusto kong may mapakain ako sa imahinasyon ko. Nakakatuwa. Gustong-gusto ko talaga si Eros magsulat.. :)
“Kaya okay lang na magtiis at magdusa ngayon. May magandang mangyayari sa hinaharap… daw. Paano kung walang dumating na ginhawa, saya at tamis? Paano kung ilusyon lang pala ang lahat ng paparating?”